Saturday, June 27, 2026

Pananahimik ng mga batang biktima ng bullying, dapat tugunan ng DepEd

Kinalampag ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang Department of Education (DepEd) na tugunan ang pananahimik ng mga batang biktima ng bullying.

Panawagan ito ni Diokno sa DepEd kasunod ng mga impormasyon na ang mga menor de edad na nagsasagawa ng karahasan ay posibleng biktima ng bullying tulad ng dalawang estudyante na namaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Tinukoy din ni Diokno ang findings ng Second Congressional Commission on Education na ang bullying ay maaaring lumala patungong coordinated attacks na magdudulot ng takot, pag-absent at pag-iwas ng mga bata sa eskuwelahan.

Kaya naman giit ni Diokno, wala dapat lugar sa mga paaralan ang bullying.

Babala ni Diokno, hindi matutuldukan ang ganitong mga sitwasyon hangga’t hindi nasosolusyunan ang kultura ng takot at pananahimik sa hanay ng mga biktima ng bullying.

Niilinaw din ni Diokno na sa umiiral na Juvenile Justice Law ay may mekanismo para panagutin at i-rehabilitate ang mga menor de edad, habang may pananagutan din ang mga magulang.

Nais kong linawin na sa kasalukuyang batas, may mekanismo na para panagutin at i-rehabilitate ang mga menor de edad, habang may pananagutan din ang mga magulang.”

Facebook Comments