Fuel surcharge cost, ibinaba ng CAB sa level 5

Mula level 6, ibinaba na sa level 5 ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge.

Sa ilalim ng level 5, ang magiging fuel surcharge na lamang sa domestic flights ay P151 hanggang P542, depende sa layo.

Habang sa international flights, ang magiging fuel surcharge na lamang ay P498 hanggang P775 para sa flights patungong Indonesia, Japan at South Korea.


Ikinalugod naman ng local air carriers na Cebu Pacific, AirAsia at Philippine Airlines ang naging desisyon ng CAB.

Facebook Comments