Full deployment ng mga pulis para sa eleksyon, sisimulan na ngayong araw

Aarangkada na ngayong araw ang full deployment ng mga pulis sa buong bansa bilang bahagi ng paghahanda para sa ligtas, tapat, at mapayapang halalan.

Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, aabot sa 163,000 na mga pulis ang ipakakalat upang bantayan ang mga polling precinct, mahahalagang pasilidad, at iba pang lugar na may kaugnayan sa eleksyon.

Aniya, layon nitong makamit ang “zero violence” sa eleksyon, kasabay ng panawagang hayaan ang mamamayan na makaboto nang walang takot at pangamba.

Nilinaw rin ni Marbil na wala silang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad ngayong halalan, ngunit 100% silang nakahandang rumesponde sa anumang posibleng kaguluhan o krimen na maaaring mangyari sa mismong araw ng botohan sa Lunes, Mayo 12.

Facebook Comments