
Umapela si Senator Risa Hontiveros na magpatupad na rin ng reporma sa ibang major charges na nakadadagdag sa taas sa singil sa kuryente.
Tinukoy ni Hontiveros ang generation, distribution, at transmission charges na tatlo sa pinakamalalaking singil na nakapaloob sa bill ng kuryente ng mga consumers.
Sinabi ng senadora na silipin na rin at ireporma ang iba pang aspeto ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law.
Bagaman isang hakbang sa tamang direksyon ang anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na tanggalin na ang singil sa systems loss at value-added tax (VAT) sa mga consumer ng kuryente, pero hindi pa dapat dito natatapos ang pasanin ng taumbayan.
Aminado naman si Hontiveros na kuntento naman siya sa naging SONA ng pangulo subalit may mga nais pa sana siyang marinig na solusyon mula sa ulat nito.










