Full implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre, suportado ng DOH

77

Suportado ng Department of Health (DOH) ang plano ng Department of Education (DepEd) na ganap ng ipatupad ang face-to-face classes sa bansa sa Nobyembre.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan lamang tiyakin ng DepEd ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa oras na ipatupad ito.

Aniya, kung hindi talaga kakayanin ang pagkakaroon ng physical distancing sa mga classroom ay dapat masunod pa rin ang minimum public health standards at gawing mandatory ang pagsusuot ng facemask, maliban na lamang kung may mga aktibidad na kailangan itong tanggalin.


Bagama’t hindi mandatory na dapat bakunado ang mga lalahok na mag-aaral, idiin naman ni Vergeire na dapat bakunado ang mga guro maging ang mga non-teaching personnel na makakasalamuha ng mga ito.

Samantala, maglalagay naman ang DOH ng mga bakunahan sa mga bawat paaralan upang hikayatin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.

Facebook Comments