GALING NG MGA KABATAANG MIYEMBRO NG TAEKWONDO TEAM, KINILALA NG LGU MAPANDAN

Kinilala ng Local Government Unit ng Mapandan ang kanilang homegrown Taekwondo Athletes dahil sa mahusay nilang performance sa isang tournament.

Hakot award na maituturing sa dami ng parangal na nakuha nila sa 2026 SMART MVP Taekwondo Championships noong Hunyo 27, 2026 sa Tuba, Benguet.

Sa pamumuno nina Coach Ron Servito at Coach Kurt Aquino, nakuha ang gintong medalya nina:
Maria Angela Abrera, James Russel Abrera, Mary Bella Abrera, Luke Quilinguer, Francis Bacorro, Jhunpio Tallo, at Christ Raingel Martinez.

Bukod sa ginto, nakakuha rin ng silver at bronze medal ang ilan sa kanilang mga kasama dahil sa ipinakitang husay sa larangan ng Taekwondo.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Mapandan, ng kanilang tagumpay ay nagdadala ng malaking karangalan sa bayan at nagsisilbing mabuting halimbawa sa lahat ng kabataan kaya naman patuloy nila itong susuportahan sa mga susunod pang sports tournament. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments