SEGURIDAD SA MGA PAARALAN SA MAPANDAN, PINAGTUUNANG PANSIN

Planong mas pagtuunan ng pansin ng Pamahalaang Bayan ng Mapandan ang paghahanda para sa kaligtasan ng mga mag-aaral matapos ang mga nakaraang insidente sa bansa.

Ito ay matapos ang isinagawang joint council meeting noong Hunyo 29 kung saan tinalakay ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Army, mga Punong Barangay, at Civil Society Organizations ang mga hakbang upang paghandaan ang seguridad sa mga paaralan.

Kabilang sa mga napag-usapan ang pagpapahusay ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at komunidad.

Ayon sa ulat, palalaganapin umano ang mabilis na pagtugon sa anumang banta sa kaligtasan ng mga estudyante, guro, at iba pang kawani ng paaralan.

Batay sa mga opisyal, bahagi ang inisyatibong ito ng patuloy na pagsisikap ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), sa pakikipagtulungan ng DILG Mapandan.

Inaasahan namang magpapatuloy ang ugnayan ng iba’t ibang ahensya at sektor para maisakatuparan ang mga programang pang seguridad sa buong bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments