Isang buntis ang ligtas na nanganak sa loob ng isang kulong-kulong sa Villasis, Pangasinan matapos agad rumesponde ang mga pulis sa natanggap na impormasyon hinggil sa kanyang sitwasyon.
Ayon sa ulat, kaagad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng kapulisan para matiyak na ligtas ito at ang kanyang sanggol.
Habang hinihintay ang pagdating ng mga health personnel, nagbigay ang mga pulis ng kinakailangang paunang tulong.
Matapos ang panganganak, agad na inihatid ang mag-ina sa pinakamalapit na pagamutan para sa karagdagang medikal na pagsusuri at kinakailangang atensyon.
Patuloy namang hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na agad makipag-ugnayan sa mga kinauukulan sa oras ng anumang emerhensiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







