Nasawi ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng isang 63 anyos na suspek sa Bolinao, Pangasinan, dakong alas-8:42 ng gabi noong Hunyo 27, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, nakikipag-inuman ang biktima kasama ang dalawa pang indibidwal nang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo at bigla itong pinagbabaril bago tumakas.
Agad na isinugod ang biktima sa ospital, ngunit idineklara itong dead on arrival.
Kaagad namang nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Bolinao Police Station at ipinatupad ang Seal-Off Plan, KIMAT, at TIKTIK na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa insidente at maihanda ang kaukulang kaso laban sa naarestong suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








