PANGASINAN, MAS PINAIIGTING ANGGREENING PROGRAM SA TREE GROWING ACTIVITY SA ECO PARK 

Sa patuloy na pagsisikap na palawakin ang mga programang pangkalikasan at pagpapalakas ng kahandaan sa kalamidad, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng isang tree growing activity sa Pangasinan Eco Park bilang bahagi ng pagdiriwang ng Arbor Day at National Disaster Resilience Month 2026.

Pinangunahan ang aktibidad ni Provincial Administrator Manuel Luis, Jr., kasama ang mga department head at kawani ng kapitolyo, kung saan sama-samang itinanim ang humigit-kumulang 500 punla ng narra, batino, guyabano, at kasoy.

Ayon sa panlalawigang pamahalaan, layunin ng naturang inisyatiba na palakasin ang green cover ng lalawigan bilang bahagi ng mas malawak na Green Canopy Program kung saan target nitong hindi lamang magdagdag ng mga puno kundi makatulong din sa pagpigil sa soil erosion, pagbawas ng init, at pagpapalakas ng katatagan ng mga komunidad laban sa mga sakuna.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang mga programa sa lalawigan na inaasahang magbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa kapaligiran at sa kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments