Game 1 ng best of three finals series ng La Salle at Ateneo, iniurong ng petsa dahil sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Iniurong ang petsa ng unang game sa best of three finals series ng Dela Salle at Ateneo dahil sa ASEAN Summit na gaganapin sa Pasay City mula April 26-29.

Gaganapin ang nasabing laban sa May 2 sa Araneta Coliseum na unang isinet ang date sa April 29 sa MOA Arena.

Ang game 2 naman ay mapapanood sa may 6 sa The Big Dome sa halip na sa may 2 kung saan sa may 10 naman ang game 3 depende pa rin sa kalalabasan ng laro.


Dahil sa nasabing pagbabago ng schedule, magiging mahaba ang oras ng dalawang koponan na paghandaan ang championship na pang-anim na beses na nilang paghaharap.
DZXL558

Facebook Comments