GASTUSIN SA INTERNSHIP AT THESIS NG 130 GRADUATING STUDENTS SA MANAOAG, INAASAHANG TUTUGUNAN NG ₱20,000 CASH ASSISTANCE

Inaasahang magaanan ang gastusin sa pagtatapos ng kolehiyo ng 130 graduating students sa Manaoag, Pangasinan, matapos tumanggap ang bawat isa ng ₱20,000 cash assistance sa ilalim ng programang “Bawat Bayan Makikinabang” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Isinagawa ang pormal na pagturnover ng tulong-pinansyal noong Miyerkules, Oktubre 14, 2026, sa LGU Health and Wellness Center sa Manaoag. Limang estudyante mula sa bawat barangay ang napabilang sa mga benepisyaryo.

Inaasahang magagamit ang natanggap na halaga sa mga gastusin para sa internship, thesis at iba pang akademikong kinakailangan bago makapagtapos ng kolehiyo.

Hinikayat naman ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” B. Rosario ang mga benepisyaryo na gamitin nang wasto ang tulong, pagbutihin ang kanilang pag-aaral at pagsikapang makapagtapos upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Samantala, patuloy rin ang pagpapatupad ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ng One Manaoag College Financial Assistance Grant, na nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mahigit 400 estudyanteng Manaoagueño.

Layunin ng mga programang ito na maibsan ang pinansyal na pasanin ng mga pamilya sa edukasyon at matulungan ang mas maraming kabataan na maipagpatuloy at matapos ang kanilang pag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments