Wednesday, October 14, 2026

CALASIAO, MAKAGAGAMIT NG BALAY SILANGANSA MANAOAG SA PAGPAPATUPAD NG DRUG-CLEARING INITIATIVES

Pinagtibay ng mga lokal na pamahalaan ng Manaoag at Calasiao, Pangasinan ang kanilang kooperasyon sa kampanya kontra illegal na droga sa pamamagitan ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement o MOA noong Oktubre 12, 2026.

Sa ilalim ng kasunduan, papayagan ang LGU Calasiao na gamitin ang Balay Silangan Reformation Facility sa Manaoag bilang bahagi ng mga inisyatiba nito para sa drug-clearing.

Pinangunahan ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” B. Rosario ang paglagda sa kasunduan, habang kinatawan naman ni Calasiao Mayor Patrick Caramat ang limang miyembro ng Sangguniang Bayan nito kasama ang ilan sa kanilang mga department head.

Bago ang paglagda, inilahad ni Aldj umar De Guzman, focal person ng Municipal Anti-Drug Abuse Council o MADAC at officer-in-charge ng Municipal Planning and Development Coordinator’s Office at Municipal Environment and Natural Resources Office, ang mga programa at nagawa ng Manaoag na nakatulong sa pagkakamit nito ng 100 porsiyentong drug-cleared status.

Dumalo rin sa aktibidad si Manaoag Municipal Local Government Operations Officer Shiela E. Velasquez.
Layunin ng partnership na palakasin ang kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan sa mga programa para sa rehabilitasyon at sa patuloy na pagpapanatili ng mga komunidad na drug-cleared. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments