
Magdadagdag pa ng water filtration kit ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para matiyak ang suplay ng malinis na inuming tubig sa mga komunidad na posibleng maapektuhan ng tagtuyot.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagbukas na ang ahensya ng bidding para makabili ng karagdagang water filtration kit. May dalawa hanggang tatlo pang kumpanya ang inaasahang lalahok sa proseso.
Gagamitin sa pagbili ang Quick Response Fund (QRF), at ipamamahagi ang mga kit sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Sabi ni Gatchalian, kayang alisin ng filtration technology ang 99.99 porsiyento ng bacteria sa tubig, kabilang ang mga sanhi ng cholera, salmonella at E. coli.
Facebook Comments










