KABUHAYAN NG MGA PWD SA ASINGAN, PINAIGTING SA PAGGAWA NG KANDILA AT IBA PANG PRODUKTO PARA SA UNDAS

Ginagamit ng mga miyembro ng Asingan Federation of Persons with Disabilities (AFPWD) ang paggawa at pagbebenta ng iba’t ibang produkto bilang karagdagang pagkakakitaan, kabilang ang mga kandilang maaaring gamitin sa nalalapit na Undas.

Mano-manong ginagawa ng mga miyembro ng samahan ang mga kandilang may iba’t ibang kulay, laki at disenyo na ibinebenta sa halagang ₱50 hanggang ₱120 bawat pakete.

Bukod dito, gumagawa at nagbebenta rin ang grupo ng mango vinegar, boneless bangus, tinapang bangus, paso at doormat.

Nag-aalok din ang AFPWD ng digital printing services para sa mga T-shirt, mug at sticker upang madagdagan ang kanilang mga pagkakakitaan.

Sa pamamagitan ng mga produktong ito, layon ng mga miyembro na maipagpatuloy ang kanilang paghahanapbuhay gamit ang sariling kakayahan at kasanayan.

Ipinakikita rin ng kanilang inisyatiba na ang pagbibigay ng pagkakataong makapagnegosyo at maghanapbuhay ay mahalagang hakbang sa pagsusulong ng mas inklusibong oportunidad para sa mga taong may kapansanan.

Sa ksalukuyan, nasa 1,269 ang bilang ng mga rehistradong PWD sa bayan ng Asingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments