Wednesday, October 14, 2026

Pag-withdraw ng prosekusyon sa 3 articles of impeachment ni VP Sara Duterte, hindi naging advantage para sa defense team —Atty. Michael Poa

Hindi naging advantage para sa defense team ni Vice President Sara Duterte ang pag-withdraw ng proseksyusyon sa tatlong articles of impeachment nito laban sa bise ayon ito kay defense counsel Atty. Michael Poa.

Aniya, prerogatiba naman ng prosekyusyon ang nasabing paglaglag sa nasabing mga kaso laban sa kanilang kliyente ngunit ang gusto lang din ng depensa ay makasagot din sila sa pamamagitan ng kanila namang magiging ebidensya.

Nilinaw din ng depensa na iba ito sa nangyari sa impeachment case ni former Chief Justice Renato Corona, na nagkaroon din ng withdrawal sa ilang articles of impeachment nito.

Sa dati kasi umanong kaso ni Corona ay hindi naman nagpresenta ang proseksyusyon noon ng kanilang ebidensya sa mga nilaglag na kaso kumpara sa impeachment ni VP Sara na nagpresenta na ang proseksyusyon at ssaka nila hiniling na ito ay i-withdraw.

Kaugnay nito ,nasa magiging desisyon pa rin ng impeachment court kung papayagan ang pag-withdraw na ito ng proseksyusyon sa articles of impeachment laban kay VP Duterte.

Facebook Comments