Saturday, November 14, 2026

Presyo ng LPG, tataas ngayong linggo

Inilabas ng Department of Energy (DOE) ang panibagong galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo at Liquefied Petroleum Gas (LPG) para sa linggong ito, November 3 hanggang November 9, 2026.

Inaasahang may pagtaas sa presyo ng LPG ngayong buwan ng Nobyembre na pumapalo sa P4.35 kada kilo, na katumbas ng P47.85 na dagdag-singil sa bawat 11-kilogram cylinder.

Samantala, papatak sa P3.50 kada litro ang ipatutupad na price adjustment para sa lahat ng uri ng gasolina tulad ng RON 97, RON 95, at RON 91.

Sa kabilang banda, may bawas-presyo naman na P1.00 kada litro sa diesel at diesel plus, habang may rollback din na P1.90 kada litro sa kerosene.

Chesca Belleza, RMN Manila

Facebook Comments