Friday, August 7, 2026

TRO ng korte sa wage increase sa NCR, mapanganib na halimbawa laban sa mga ipapatupad na wage hike sa hinaharap

Nangangamba si Akbayan Partylist Representative Dadah Kiram Ismula na maging mapanganib na halimbawa sa mga ipapatupad na wage increase sa hinaharap ang Temporary Restraining Order na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) laban sa ₱85 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Katwiran ni Ismula, ang pananatili ng TRO ay nagpapakita na pwedeng tumakbo ang sinumang korporasyon sa isang RTC judge para ipatigil ang anumang dagdag-sahod kahit saan man sa bansa.

Diin ni Ismula, ang walang pusong utos ng korte ay walang legal na basehan dahil malinaw sa Labor Code na hindi maaring harangin ng mga korte ang mga wage orders.

Dagdag pa ni Ismula, ang TRO ng Pasig RTC ay direktang pumipinsila sa bawat pamilyang Pilipino na pinagkaitan ng dagdag na panggastos sa kanilang pangangailangan tulad ng pagkain, transportasyon, at pangbayad sa matrikula ng mga anak.

Facebook Comments