ISANG WANTED PERSON, ARESTADO SA MANGALDAN

Arestado ng mga tauhan ng Mangaldan Municipal Police Station ang isang wanted person sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Banaoang, Mangaldan, Pangasinan noong September 9, 2026.


‎Ang naaresto ay isang 51 anyos na babae at residente ng Mangaldan.

‎Isinagawa ang pag-aresto batay sa warrant of arrest na inilabas noong September 9, 2026 ng Presiding Judge ng Municipal Trial Court, First Judicial Region, Mangaldan, Pangasinan.

‎May kaugnayan ito sa Criminal Case Number 25-8326 para sa Service of Sentence, kaugnay ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

‎Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Mapandan Community Hospital sa Mapandan, Pangasinan para sa physical at medical examination bago isinailalim sa police custody para sa kaukulang disposisyon.

‎Ayon sa Mangaldan MPS, bahagi ang operasyon ng kanilang patuloy na paghahanap at pag-aresto sa mga wanted person upang matiyak na ang mga may kinakaharap na warrant ay madadala sa tamang hukuman alinsunod sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments