1,000 LAND PATENTS, IPINAMAHAGI SA ILOCOS REGION; 800 PAMILYA, NAGING BENEPISYARYO

Umabot sa 1,000 land patents ang ipinamahagi sa humigit-kumulang 800 pamilya sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Region.

‎Batay sa datos, 741 dito ang agricultural patents, 244 ang residential patents, habang 15 ang special patents.


‎Isinagawa ang pamamahagi sa ilalim ng programang “Handog ng Pangulo: Luntiang Bukas” ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.

‎Saklaw ng agricultural patents ang mga lupang ginagamit para sa pagsasaka, habang ang residential patents naman ay para sa mga kwalipikadong lupang ginagamit bilang tirahan.

‎Kasabay ng pamamahagi ng mga patent, nagkaroon din ng iba pang serbisyo ang DENR na may kaugnayan sa lupa at kapaligiran, kabilang ang pamamahagi ng mga punla.

‎Ang pagkakaloob ng patent ay bahagi ng proseso upang magkaroon ng legal na dokumento ang mga kwalipikadong benepisyaryo para sa lupang kanilang ginagamit o ino-okupa, alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.


‎Sa kabuuan, nasa 800 pamilya sa rehiyon ang naging benepisyaryo ng isinagawang pamamahagi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments