Nakatanggap ng libreng gupit kamakailan ang mga evacuees sa Calasiao, Pangasinan, sa isinagawang haircut activity ng LGBTQI+ at Hairstylist Calasiao Community.
Boluntaryong naglaan ng kanilang oras, talento at serbisyo ang mga miyembro ng grupo upang mapagupitan ang mga evacuees na kasalukuyang nananatili sa evacuation center.
Layunin ng inisyatiba na makapagbigay ng kaunting ginhawa at saya sa mga evacuees na patuloy na humaharap sa pagsubok dulot ng kalamidad.
Nagpasalamat naman ang mga evacuees sa grupo sa kanilang oras at serbisyong ipinagkaloob, na nakatulong upang maibsan kahit kaunti ang kanilang pinagdaraanan.
Patunay ang naturang inisyatiba na sa panahon ng pangangailangan, ang simpleng pagbabahagi ng oras at kakayahan ay maaaring maging malaking tulong sa mga pamilyang nangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








