DSWD FO1: KULANG O SIRANG LAMAN NG FAMILY FOOD PACKS, AGAD I-REPORT PARA MAPALITAN

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 o DSWD FO1 na dumaraan sa pagsusuri ang mga Family Food Packs o FFPs bago ipamahagi sa mga benepisyaryo sa Ilocos Region.
‎

‎Ayon kay DSWD FO1 Assistant Regional Director for Operations Anniely J. Ferrer, maaaring agad i-report sa kanilang tanggapan kung may kulang o sirang food item sa natanggap na relief pack upang maaksiyunan at mapalitan ito.
‎
‎
‎Hiniling din ng DSWD na agad munang ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang anumang problema sa natanggap na food packs upang maberipika at mabigyan ng agarang solusyon.
‎

‎Ayon sa ahensya, hindi nito ipinagbabawal ang paglalabas ng hinaing sa social media, ngunit mas mabilis umanong maaaksiyunan ang problema kung direktang maipararating sa kanilang tanggapan ang reklamo.
‎
‎
‎Samantala, nagpapatuloy ang pamamahagi ng Family Food Packs sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad sa apat na lalawigan ng Ilocos Region.
‎

‎Hinihikayat ang mga benepisyaryong makipag-ugnayan sa DSWD o sa kanilang lokal na pamahalaan sakaling may problema sa natanggap na relief goods upang agad itong ma-validate at maaksyunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments