Ipinagdiwang at nakiisa ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa Girl Scout Week at Scouting Month Celebration and Awarding Ceremony ng First District of Pangasinan na ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center.
Bitbit ang temang “Inspired to Lead, Committed to Serve,” itinampok sa aktibidad ang kahalagahan ng paghubog sa mga kabataan upang maging responsableng mga lider at maglingkod sa kanilang komunidad.
Ipinahatid ni Alaminos City Mayor Arth Bryan C. Celeste, sa pamamagitan ni City Councilor Apple Joy Bacay-Tolentino, ang kaniyang pagbati at pasasalamat sa mga Girl Scout, organizer, at iba pang katuwang sa matagumpay na pagdaraos ng aktibidad.
Binigyang-diin din sa pagdiriwang ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga kabataan na maging responsable, may malasakit, at laging handang tumulong at maglingkod sa kapwa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











