
Kasabay ng selebrasyon ng Road Safety Month ngayong Mayo, panahon na raw para ilunsad ng gobyerno ang pagkakaroon motorcycle academy.
Ito ayon kay Motorcycle Philippines Federation (MCPF) President at Director for Administration Atoy Sta. Cruz para maiwasan na aniya ang malaking bilang ng mga aksidente sa kalsada na dulot ng motorsiklo.
Ayon kay Sta. Cruz, karamihan sa mga nagmamaneho ng motorsiklo ay walang kaalaman sa tamang pagmamaneho na natuto lamang kung kani-kanino.
Isa pa sa isinusulong ni Sta. Cruz, ang paghihigpit sa mga dealer sa paraan ng kanilang pagbebenta ng motorsiklo.
Dapat aniya ay huwag munang bentahan ang isang bumibili kung hangga’t wala pang tamang training.
Batay sa tala na hawak ng MCFP, ang motorsiklo pa rin ang nagungunang dahilan ng maraming aksidente sa Pilipinas na kalimitan ay nagdudulot ng pagkamatay.