Uupong senate president sa 20th Congress, dapat kayang pangasiwaan ang impeachment trial —senador

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na kritikal o mahalaga sa pagiging senate president ngayon ay kayang i-handle o pangasiwaan ang nakatakdang impeachment trial laban kay Vice President Sara.

Ayon kay Gatchalian, ang set-up nila sa impeachment court ay kakaiba kumpara sa sesyon na nagpapasa sila ng batas.

Sinabi ng senador na dapat ay kayang manduhan ng Senate President na tatayong presiding officer ng impeachment court ang 23 senator judges.

Aniya pa, mahalaga rin na may kaalaman sa rules of court ang senate president.

Paglilinaw naman ni Gatchalian, wala pa silang pormal na pag-uusap tungkol sa isyu ng Senate Presidency.

Bukod kay senator-elect Tito Sotto na naghayag ng kahandaang maging Senate President kung sakaling may sapat na boto, ilan pa sa pwedeng pagpilian ang iba pang senior senators na sina Senators Jinggoy Estrada, Loren Legarda, Migz Zubiri at maging si Gatchalian.

Facebook Comments