
Pansamantalang hindi muna maipo-proklama ang dalawang party-list ngayong araw dahil sa ilang isyu at mga kasong nakabinbin ngayon na kinahaharap ng mga naturang party-list.
Ayon kay Commission on Elections o Comelec Chair George Erwin Garcia, ireresolba muna ang kanilang mga kaso bago iproklama lalo na’t mayroong serious allegation para masuspinde ang kanilang proclamation.
Tulad na lang ng isang party-list na mayroon pang kaso noon pang 2019 habang ang isa ay may kasong paglabag naman sa Section 261-F ng Omnibus Election Code.
Nilinaw rin ng Comelec na hindi naman ibig sabihin na hindi sila mapo-proklama ngyong araw ay hindi na sila makauupo sa kanilang mga pwesto.
Samantala, hindi rin papayagan ang mga party-list na mag-kanya-kanyang speech dahil na rin sa dami ng party-list na ipo-proklama ngayong araw.