Golden State Warriors, nasungkit ang NBA Championship matapos talunin ang Boston Celtics

108

Nasungkit ng Golden State Warriors (GSW) ang kampeonato sa NBA finals matapos talunin ang Boston Celtics sa game 6 sa score na 103-90.

Ito na ang ika-4 na kampeonato ng GSW sa loob ng walong taon.

Bumida sa Warriors si Steph Curry na nakagawa ng 34 points, 7 rebounds, 7 steals, 2 steals at isang block.


Naging katuwang ni Curry sina Andrew Wiggins na may 18 puntos, 4 na steals at 4 na block habang mayroon 12 points, 12 rebound at 8 assist si Draymond Green.

Facebook Comments