Umabot sa 7,676 na magsasaka sa bayan ng Bayambang ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program o PAFFP sa isinagawang payout activity noong Hunyo 9 hanggang 10, 2026.
Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tumanggap ng ₱2,325 ayuda upang makatulong sa pagharap sa tumataas na gastusin sa pagsasaka at iba pang pangangailangan sa produksyon.
Inaasahan ding mabibigyan ng parehong ayuda ang mga kwalipikadong mangingisda sa iskedyul na ilalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Inaasahang makatutulong ito upang mabawasan ang pinansyal na pasanin ng mga magsasaka at mangingisda na patuloy na naaapektuhan ng mga hamong pangkabuhayan at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








