LALAKING TULAK NG ILEGAL NA DROGA, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA STA. BARBARA, PANGASINAN

Arestado ang isang lalaki ng mga awtoridad matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Team (DET) ng Sta. Barbara Municipal Police Station, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1, gabi noong June 10, 2026 sa Barangay Ventinilla.

Ayon sa ulat ng pulisya, positibong nakabili ang isang poseur buyer mula sa suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ng halagang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.

Agad na inaresto ang suspek matapos ang transaksyon. Isinagawa rin ang body search sa presensya ng mga insulating witnesses, na nagresulta sa pagkakarekober ng isa pang sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu, gayundin ang ginamit na buy-bust money.

Ayon sa pulisya, ang mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga ay may kabuuang timbang na humigit-kumulang tatlong (3) gramo at may tinatayang standard drug price na ₱20,400.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments