PAGBABAHAGI NG LIBRENG BIRTH CERTIFICATE IN SECURITY PAPER BATCH 2 SA MANGALDAN, KINASA NA

42
Sa darating na Oktubre 11, isasagawa na ang pangalawang batch ng pamamahagi ng libreng birth certificate in security paper para sa isangdaan at animnapu’t lima (165) pang benepisyaryo ng PHILSYS Birth Registration Assistance Project (PBRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Matatandaan na noong lamang Setyembre 16 ay una nang nakatanggap ang unang apat-napu’t tatlong (43) recipients sa bayan ng nasabing libreng birth certificate.
Ang mga listahan ng pangalan ay nakapost sa opisyal na Facebook account ng Bayan ng Mangaldan at inaanyayahan ang mga ito na magtungo sa Municipal Hall ng Mangaldan sa darating na October 11 ng alas otso ng umaga.

Kung may nais pang tanungin tungkol sa anunsyo ay maaari lamang na personal na sumadya sa office of the Municipal Civil Registrar ng Mangaldan. |ifmnews
Facebook Comments