
Muling inaresto ang vlogger na si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos sa isang resort at casino sa New Seaside Drive, Barangay Tambo Paranaque City, kahapon ng alas-singko kwarenta ng hapon.
Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa 3 counts ng cyberlibel.
Nabatid na naaresto na rin siya noon para sa 12 counts naman ng kasong Unjust Vexation na isinampa sa kanya ng kanyang kapwa vlogger na si MG.
Sa ngayon siya ay nasa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)’s Detection and Special Operations Unit sa Camp Crame, habang hinihintay ang pagisyu ng kanyang commitment order mula sa korte.
Facebook Comments










