
Inaprubahan na ang ₱45 na dagdag sa arawang minimum na sahod ng mga manggagawa sa CALABARZON.
Ito ang kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasunod ng pag-apruba ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa panibagong wage hike sa rehiyon.
Sakop nito ang mga minimum wage earner sa pribadong sektor sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Ang dagdag-sahod ay inaasahan ng DOLE na makatutulong sa mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Facebook Comments










