
Niratipikahan na ng Senado ang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa pagitan ng Pilipinas at France.
Sa botong 17 pabor na mga senador at wala namang tumutol ay inaprubahan ang Senate Resolution 650 na pangunahing isinulong ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na Chairman ng Committee on Foreign Relations.
Tinukoy ni Zubiri na makasaysayan ang kasunduan dahil ito ang kauna-unahang VFA ng Pilipinas sa isang bansa sa Europa.
Ang SOVFA ay isang reciprocal bilateral defense agreement kung saan itinatakda ang legal framework ng mga aktibidad ng Armed Forces of the Philippines at French Armed Forces.
Itatakda nito ang legal na batayan para sa pagdaraos ng dalawang bansa ng joint defense, training, humanitarian, disaster response at iba pang kooperasyon at aktibidad.










