Tuesday, October 6, 2026

Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, personal na nagpaliwanag kay Sen. Raffy Tulfo

Nagka-usap at nagkaharap na rin sina Senator Raffy Tulfo at Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol ngayong araw.

Ito’y matapos na masita ni Tulfo si Tongol na mistulang inuunahan ang mga senator-judges sa pahayag nito na hanggang December 16 ay makakapagbaba na ng desisyon ang Impeachment Court kay Vice President Sara Duterte kaya hiniling ng senador kay presiding officer Chiz Escudero na ipa-admonish o pagsabihan si Tongol.

Sa ibinahaging impormasyon at larawan ng opisina ni Sen. Raffy ay nagkadaupang-palad at nagpaliwanag si Tongol sa naging pahayag sa media.

Ipinaliwanag ni Tongol sa senador na ang December 16 ay isang pagtatantya lamang sa posibilidad na makapagbaba ng verdict o hatol ang korte pero hindi ito ang deadline na kailangang sundin ng Impeachment Court.

Pinayuhan naman ni Sen. Raffy si Tongol na maging mas maingat sa mga inilalabas na pahayag sa media at ugaliing kumunsulta muna sa mga senator-judges.

Nagpasalamat naman ang mambabatas sa pagbibigay ng oras ng abogado para personal na magpaliwanag at aniya, hanga siya sa kasipagan at pagtupad nito ng tungkulin.

Facebook Comments