
Pinadali ng Korte Suprema ang proseso para sa mga Pilipinong may diborsyo sa ibang bansa na nais itong kilalanin sa Pilipinas.
Ito’y matapos aprubahan ng SC ang mga pagbabago sa Rules of Court, kung saan hindi na kailangang patunayan ng Filipino spouse ang batas ng ibang bansa na pinagbatayan ng diborsyo.
Kailangan na lamang patunayan na naganap ang diborsyo sa ibang bansa.
Gayunman, hindi ito nangangahulugang awtomatiko nang kinikilala ang foreign divorce sa Pilipinas.
Kailangan pa ring magsampa ng petisyon sa korte para sa pagkilala sa diborsyo at matugunan ang mga requirement sa ilalim ng Article 26(2) ng Family Code.
Ayon sa SC, layunin ng pagbabago na alisin ang mga hindi kailangang hadlang at gawing mas madali para sa mga Pilipino ang proseso ng pagkilala sa kanilang foreign divorce.










