Pormal nang pinailawan dito sa Bugallon, Pangasinan ang iba’t ibang palamuti bilang pagdiriwang sa kapaskuhan.
Sabay-sabay na nagliwanag ang mga disenyo at mga samut saring ilaw sa plaza sa isinagawang lighting ceremony sa Bugallon noong October 23, 2026 na nagbigay saya sa mga residente at mga bisita na dumalo.
Ayon kay Bugallon Mayor William K. Dy, binuksan umano ang nasabing Christmas Village upang makapagsaya at enjoy ang mga bata at mga residente ng Bugallon.
Samantala, dumalo naman sa nasabing lighting ceremony si Rep. Mark Cojuangco, 2nd District Board Member Haidee Pacheco, habang kinatawan naman ni Atty. Ron Dale Castillo si Gov Ramon Guico III.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga konsehal ng lokal na pamahalaan ng Bugallon na nagpakita ng suporta sa isinagawang seremonya.
Patuloy naman na magliliwanag ang mga pailaw sa Christmas Village na magsisilbing bagong lugar ng turismo at lugar para sa mga pamilya sa Bugallon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










