Dagdag-pasilidad para sa pagkatuto ng computer ng mga kabataan ang mobile learning center na itinurn-over sa bayan ng Asingan, Pangasinan noong Oktubre 26.
Mayroong air-conditioned na silid-aralan ang pasilidad na nilagyan ng mga computer at iba pang kagamitan na gagamitin sa pagtuturo ng computer skills.
Bahagi ito ng Project Dala o Dalang Aral, Dalang Pag-asa ng Junior Chamber International o JCI Manila.
Ayon sa grupo, napili ang Asingan bilang benepisyaryo ng proyekto upang mas mapalaganap ang computer literacy sa mga kabataan.
Inaasahan naman ng alkalde ng Asingan na mas mapakikinabangan ng mga kabataan ang bagong pasilidad, lalo na sa paglinang ng kanilang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng computer. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







