
Muling nagkasa ng kilos protesta ang grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan para kondenahin ang naging marahas na hakbang Amerika sa ibang bansa tulad ng Palestine halos tatlong taon na ang nakakalipas.
Muli nilang kinokondena ang ginawang pag-atake ng tropa ng mga amerikano sa bansang Palestine.
Nagsimula ang protesta sa bahagi ng Kalaw Avenue kung saan sinubukan nilang makalapit sa Embahada ng Amerika sa Roxas Blvd. pero hindi sila pinayagan ng mga pulis.
Kanila rin ipinapanawagan na itigil ang planong Pax Silica Economoc Security Zone sa Capas,Tarlac kung saan maraming katutubo ang maapektuhan at mawawalan ng tirahan gayundin ng kanilang kabuhayan.
Panawagan rin nila na tanggalin at palayasin ang mga tropa ng amerika kasama ang kanilang mga base militar at iba pang pasilidad.
Kaugnay nito, asahan na daw ang malawakang kikos protesta sa buwan ng Nobyembre kasabay ng 49th ASEAN Summit kung saan inaasahan na dadalo si US President Donald Trump.










