Tuesday, July 21, 2026

Dating Speaker Romualdez, handang harapin ang reklamong ihahain ng Ombudsman at walang planong lumabas ng bansa

Tiniyak ng kampo ni dating House Speaker Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na hindi ito magtatago o lalabas ng bansa dahil handa itong harapin ang anumang reklamo na planong ihain ng Office of the Ombudsman.

Kasabay nito ay nilinaw din ni Atty. Elaine Atienza, tagapagsalita ni Romualdez, na wala pang kasong naisasampa dito sa Sandiganbayan kaugnay sa maanumalyang flood control projects.

Diin ni Atienza, ang anunsyo ng Ombudsman ay tumutukoy lamang sa pagkakasa ng preliminary investigation kung saan bibigyan ng oportunidad si Romualdez na ipresenta ang kanyang panig.

Tiwala si Atienza na malilinis ang pangalan ni Romualdez kapag nasuri ng mabuti ang katotohanan at mga ebidensya alinsunod sa mga kaukulang batas.

Facebook Comments