
Nakikipag-ugnayan na ang Quezon City Government sa naiwang pamilya at mga mahal sa buhay ni Fabio Norberte Jr., residente ng lungsod at isang ride-hailing app driver na namatay habang naghahanapbuhay, upang makapagbigay ng burial services.
Maliban dito, magbibigay din ang lokal na pamahalaan ng medical assistance sa naiwang anak at mga magulang ng nasawi.
Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, idinulog na rin umano nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kalagayan ng naiwang pamilya upang mabigyan ito ng karagdagang suporta.
Samantala, tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy itong makikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno at tututukan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng biktima upang matiyak na mapapanagot sa batas ang suspek at mabigyan ng hustisya ang biktima.
Matatandaang namatay ang biktima matapos pagsasaksakin ng ice pick at pagnakawan ng mismong pasahero nito noong Martes, July 14, sa Barangay 20, Caloocan City.










