Tuesday, July 21, 2026

Price freeze sa LPG at kerosene, pinaiiral ng DOE sa Negros Occidental at Bagulin, La Union dahil sa kinakaharap na krisis sa naturang mga lugar

Nagpatupad ang Department of Energy (DOE) ng price freeze para sa household Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Negros Occidental at Bagulin, La Union.

Partikular dito ang 11-kg cylinders ng LPG pababa at mga produktong kerosene sa loob ng 15 araw.

Kasunod ito ng State of Calamity (SOC) sa Negros Occidental dahil sa patuloy na pagkalat ng peste na pumipinsala sa sugarcane plantations sa lalawigan.

Habang ang State of Calamity (SOC) sa Bagulin, La Union ay kasunod ng dengue outbreak sa lugar.

Facebook Comments