
Hindi inaalis ng Piston ang posibilidad na magsagawa ang mga ito ng transport strike kasunod ng sunod-sunod at malaking dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo.
Pero hindi pa makapagbigay ng petsa si Floranda kung kailan isasagawa ang tigil-pasada dahil nakadepende pa ito sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Muli namang nanawagan si Floranda na ibasura na ng pamahalaan ang buwis sa langis na makakatulong para bumaba ang presyo ng petrolyo.
Ngayong araw sinabayan ng Piston ng kilos protesta ang pagpapatupad ng mga kompanya ng langis ng unang bugso ng oil price hike na ₱1.75 per liter ng gasolina, ₱2.60 sa kada litro ng diesel at ₱2.40 sa kerosene.
Facebook Comments