Grupong Piston, nagkilos-protesta sa harap ng tanggapan ng DOTr para ihirit ang kanilang urgent demands

Nag-rally sa harapan ng tanggpan ng Department of Transportation (DOTr) sa EDSA- San Juan ang grupong Piston.

Kabilang sa kanilang urgent demands ang agarang pagpapatigil sa Public Transport Modernization Program lalo na ang anila’y sapilitang konsolidasyon ng mga operator.

Nais din nilang ipatigil ang NCAP o No Contact Apprehension Policy dahil hindi anila ito demokratiko at sa halip ay parusa sa mga tsuper.

Ayon pa sa Piston, dapat ding tiyakin ng DOTr na walang taxi driver na mawawalan ng hanapbuhay dahil sa paglaganap ng mga fleet ng electric vehicles.

Dapat din anilang tiyakin na walang bus drivers na mawawalan ng hanapbuhay dahil sa upgrading ng mga terminal at iba pang requirements sa bus companies.

Nais din ng grupo na maglatag ng katiyakan ang Transportation Department na walang mawawalan ng trabaho sa 14,000 motorcycle taxi drivers dahil sa nakaambang pagtanggal sa Move It.

Facebook Comments