
Bukas si Senator Imee Marcos sa posibilidad ng Senate Presidency sa 20th Congress.
Ito ay kung sakaling siya ang piliin ng kanyang mga kasamahan na tumayo bilang susunod na lider ng Senado.
Gayunman, nilinaw ni Sen. Marcos na hindi naman niya masyado iniisip ang labanan para sa pagka- Senate President at may ilang senador ang gusto siyang ibala para makipagumpugan kay Speaker Martin Romualdez.
Natanong din ang senadora kung may kinakausap o nililigawan na siya para suportahan siya sa Senate leadership, tugon ni Sen. Imee nagte-text siya sa mga senador pero bilang marites at hindi para mangampanya.
Sa ngayon, nakikinig naman siya sa sinasabi ng mga senador at ang gusto niya ay solid na plataporma, pangangalagaan ang budget at ipagtatanggol ang integridad ng institusyon.