
Humihirit ang Seniors Kontra Kurakot (SKK) sa gobyerno na taasan ang pensyon ng mga senior citizen, itaas sa P1,200 ang daily minimum wage ng mga manggagawa, at panagutin sa batas ang mga korap, kasabay ng pagbawi sa mga ninakaw na pera mula sa kaban ng bayan.
Kasunod ito ng pag-aanunsyo ng grupo na lalahok sila sa People State of the Nation Address (SONA) ng Sambayanan kasabay ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, July 27.
Giit ng SKK, hindi sila kumbinsido na walang sapat na pondo para dagdagan ang P1,000 at gawing P2,000 ang buwanang social pension mula sa gobyerno, dahil ang totoo ay may pondo naman, napupunta lamang sa kurapsyon.
Samamtala, hinimok din ng SKK ang publiko na makiisa sa kanilang “6th Mall Walk Against Corruption” alas-2 ng hapon ngayong Sabado, July 25 sa Commonwealth Avenue, at maging sa SONA ng Sambayanan sa Lunes, July 27.










