
Inactivate at nakastandby na ang Humanitarian Assistance and Disaster Response o HADR assets ng Armed Forces of the Philippines kasunod ng epekto ng southwest moonsoon o ng hanging habagat at ng mga bagyo na nagdulot ng matinding paguulan sa bansa.
Sa ilalim ng operational control ng National Capital Region Command (NCRCOM) ng AFP, 2 Search, Rescue, and Retrieval (SRR) teams mula sa Philippine Army ang nilagay sa standby alert.
Kung saan ang isang squad naman dito na mula sa 33rd Mechanized Company ay nakaposisyon sa Headquarters NCRCOM saCamp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.
Samantala, ang Philippine Marines naman ay naglunsad ng Disaster Response Teams habang ang 2 grupo naman ng Philippine Air Force Search and Rescue ay nakastandby alert sa Col. Jesus Villamor Air Base, Pasay City.
Ayon sa AFP, ang pinagsanib pwersa na ito ay lubhang makakarulong sa kkmunidad na apektado ng matinding panahon.










