
Mariing tinututulan ng defense team ang marking ng bahagi ng affidavit ng self-confessed Davao Death Squad hitman Arturo Lascañas.
Bago magtapos ang Day 12 ng impeachment trial ay binanggit ang pagkakaroon ng conference bukas ng alas kwatro ng hapon para sa transfer o paglilipat ng exhibit markings kung saan kasama rito ang hiling sa pagmamarka ng portion o bahagi ng affidavit ng DDS hitman.
Giit ni Atty. Sheila Sison, lead defense counsel, tinututulan nila ang markings ng affidavit ni Lascañas dahil hanggang sa puntong ito ay walang testigo ang humarap para patotohanan ang naturang affidavit.
Idiniin pa ni Sison na ang nasabing affidavit ay hindi notarized at hindi rin nilagdaan ng sinuman gayundin ay hindi ito natukoy ng competent witness.
Punto pa ni Sison, consistent ito sa ruling ng korte nang tutulan nila ang pagbasa ni NBI Director Melvin Matibag sa affidavit ni Lascañas noong tumestigo ito at ma-cross examine ni Atty. Mark Vinluan ng defense team para sa Article 4 o ang pagbabanta ni VP Duterte sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos at pamilya nito.










