
Inaprubahan ng Malacañang ang pagtataas ng fuel discount para sa mga tsuper ng jeepney at UV Express, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mula sa P10 kada litro, magiging P12 kada litro na ang diskwento simula Agosto 15.
Tinatayang aabot sa P1,800 kada linggo ang matitipid ng bawat kwalipikadong driver.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Kasabay nito, inatasan ni Recto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyaking maipagkakaloob ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) assistance sa mga magsasaka, mangingisda, transport at construction workers, at iba pang manggagawa na may mababang kita.
Layon din aniya pamahalaan na ipagpatuloy ang pagbibigay ng suporta sa mga sektor na higit na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis.










