Ayon sa kapulisan, nakatanggap umano ang biktima ng email na nagpapakilalang mula sa isang bangko.
Akala umano ng biktima na lehitimo ito dahilan upang ibigay ang One-Time Password (OTP) sa ka-transaksyon.
Ilang sandali lamang ang lumipas, sunod-sunod na text message ang kanyang natanggap na nagsasabing na-withdraw na ang laman ng kanyang savings account na may halagang halos P200,000.
Bago ang insidenteng ito, naunang naireport kapulisan ang text message naman na ginagamit ng mga nagpapanggap na mga pulis para manghingi ng pera dahil sa umano’y pang areglo sa warrant of arrest.
Giit ng mga awtoridad, huwag ibigay ang bank details, passwords at lalo na ang OTP dahil hindi ito hinihingi ng mga lehitimong bangko sa anumang transaksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








