Tuesday, July 28, 2026

Presyo ng petrolyo, posibleng bumaba sa susunod na linggo —DOE

Umaasa ang Department of Energy o DOE na magtutuloy-tuloy na ang magandang development sa girian ng Estados Unidos at Iran para bumaba na ang presyo ng petrolyo sa bansa.

Ayon kay DOE Usec. Sandy Sales, dalawa ang posibleng maging dahilan ng pagbaba ng presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Una, ay matapos pumagitna ang China sa pamamagitan ng Pakistan sa US-Iran conflict.

Pangalawa ay ang paghupa na ng US at Iran sa kanilang missile strikes laban sa isa’t isa.

Kung maalala, ngayong araw ay ipinatupad ng mga kumpanya ng petrolyo ang isa na namang round ng oil price hike.

Ayon sa DOE nasa P6.80 ang umento ngayong araw ng kada litro ng gasolina; P7:32 sa diesel at P4.22 sa kada litro ng kerosene.

Facebook Comments